Skip to main content

Posts

Showing posts with the label Living in South Korea as a Foreigner

Safety First: How Chungju Police Supports Foreigners

Safety First: How Chungju Police Supports Foreigners Bilang isang foreigner na naninirahan dito sa Chungju , isa sa mga pinaka-appreciate ko ay ang sense of security. Hindi man kasing-bilis o kasing-gulo ng buhay sa Seoul, ang pagiging "quiet city" ng Chungju ay may dalang kakaibang peace of mind. At malaking bahagi nito ay ang ating mga local police. Kamakailan, nakausap ko ang isa sa mga students ko na si Officer Lee Song-won (o mas kilala sa tawag na James ). Dahil hindi naman "busy city" ang Chungju, mas may oras ang mga pulis dito na makinig at magbigay ng personal na atensyon sa ating mga foreign residents. Mas Personal na Serbisyo sa Maliit na Lungsod Dahil maliit lang ang community natin, ang Chungju Police ay mas focused sa Crime Prevention at Community Policing . Ayon kay James, kahit hindi tayo kasing-rami ng mga foreigners sa Ansan o Itaewon, sineseryoso nila ang ating kaligtasan. Narito ang mga dapat mong malaman: Wala nang Language Barrie...

Sa Likod ng Mataas na Kita: Ang Realidad ng mga "TNT" sa Korea at Paano Ito Malalampasan

  Sa Likod ng Mataas na Kita: Ang Realidad ng mga "TNT" sa Korea at Paano Ito Malalampasan Maraming kababayan natin ang pumipiling maging undocumented o illegal resident sa South Korea sa pag-asang mas mabilis na makakaipon. Pero sa likod ng mga "aesthetic" na photos sa Facebook, may mga kwento ng hirap na madalang nating marinig. Ang Araw-araw na Pakikibaka Ano nga ba ang mga sakripisyo ng isang illegal resident? Ang Takot sa "Crackdown": Hindi mo alam kung kailan kakatok ang immigration o kung ligtas bang lumabas para mamasyal. Isang maling galaw lang, pwedeng mauwi sa deportation at lifetime ban sa Korea. Abuso sa Trabaho: Dahil alam ng ilang mapagsamantalang amo na wala kang papel, minsan ay kulang ang pasweldo, walang overtime pay, o 'di kaya ay pinagtatrabaho sa delikadong kondisyon. Mahirap lumaban kung wala kang legal na status. Limited Healthcare: Kapag nagkasakit, hindi ka makagamit ng National Health Insurance. Ang ending, sa malalaking b...