Ang Risks ng Pagtatakas (Absconding): Ang Realidad ng mga Seasonal Workers sa Korea Sa interview ko kay Ms. Yvette Jaymalin mula sa Seasonal Worker Office, ibinahagi niya ang isang seryosong problema: ang dumaraming kaso ng mga seasonal workers na tumatakas sa kanilang kontrata. Bagama't akala ng iba ay ito ang sagot sa hirap, ang totoo, mas malubhang problema ang hinaharap nila. Bakit ba marami ang natituksong "tumakas"? Aminin natin, paglapag pa lang sa Korea, talamak na ang mga alok na mas malaking sahod at mas magandang trabaho sa labas. Minsan, may mga sumusundo pa mismo sa kanila na nangangako ng langit at lupa. Pero bes, ang ending? Nagiging TNT sila. Imbes na guminhawa, lalo silang nalulubog sa problema sa pera at batas. Ang Mapait na Katotohanan ng pagiging Illegal Hindi alam ng marami na kapag lumabas ka sa kontrata mo, target ka ng mga mapagsamantalang amo at illegal recruiters. Sahod na hindi binabayaran: Dahil alam nilang wala kang papel, minsan hindi ka...
Kultura. Palakasan. Karapatan. Ang Pinoy Sarang ay nakatuon sa pagbibigay ng updates tungkol sa mga Sports events, Cultural activities, at mahahalagang batas sa Korea na dapat malaman ng bawat Pilipino. Ang aming layunin: Isang matalino at aktibong Pinoy community sa Korea