Ang Risks ng Pagtatakas (Absconding): Ang Realidad ng mga Seasonal Workers sa Korea
Sa interview ko kay Ms. Yvette Jaymalin mula sa Seasonal Worker Office, ibinahagi niya ang isang seryosong problema: ang dumaraming kaso ng mga seasonal workers na tumatakas sa kanilang kontrata. Bagama't akala ng iba ay ito ang sagot sa hirap, ang totoo, mas malubhang problema ang hinaharap nila.
Bakit ba marami ang natituksong "tumakas"?
Aminin natin, paglapag pa lang sa Korea, talamak na ang mga alok na mas malaking sahod at mas magandang trabaho sa labas. Minsan, may mga sumusundo pa mismo sa kanila na nangangako ng langit at lupa. Pero bes, ang ending? Nagiging TNT sila. Imbes na guminhawa, lalo silang nalulubog sa problema sa pera at batas.
Ang Mapait na Katotohanan ng pagiging Illegal
Hindi alam ng marami na kapag lumabas ka sa kontrata mo, target ka ng mga mapagsamantalang amo at illegal recruiters.
Sahod na hindi binabayaran: Dahil alam nilang wala kang papel, minsan hindi ka na papaswelduhin.
Excessive Fees: Maraming kaltas para sa "introduction fees" o bayad sa paglipat ng workplace.
Utang: Bago ka pa man makapag-umpisa, baon ka na agad sa utang dahil sa mga illegal recruiters na ito.
Isang malungkot na example ang ibinahagi ni Ms. Yvette: Isang worker ang na-aksidente sa trabaho. Dahil walang proper support, pinalayas siya sa kisuksa (dorm) at nawalan ng trabaho. Imagine, walang pera, walang matuluyan, at may sugat pa. Ganyan kahirap kapag wala kang legal na proteksyon.
Saan ba pwedeng humingi ng tulong?
Swerte ang mga nasa Jecheon dahil maayos ang management system doon, pero para sa mga nakakaranas ng pang-aabuso sa ibang lugar, huwag agad tatakas! Pwedeng lumapit sa
Jecheon’s Positive Example Eumseong Support Center for Foreigners (ESCF).
Narito ang mga taong handang tumulong:
Ms. Eva at Mr. Joselito: Sila ang naging tulay para makarating sa Philippine Embassy at OWWA ang mga concerns ng seasonal workers.
Mr. Rey Apit at Mr. Henner Polon: Mga volunteers na kahit pagod sa sariling trabaho (siMr. Henner ay isang E9 worker din!), ay talagang naglalaan ng oras para sa kapwa Pinoy.
Tandaan: Ang mga benepisyo ng OWWA ay para lamang sa mga legal workers. Kapag tumakas ka, mawawala ang mga proteksyong ito sa iyo.
Higit pa sa sarili mong kapakanan
Kapag tumakas ang isang worker, hindi lang siya ang apektado. Ang buong munisipyo niya sa Pilipinas ay pwedeng ma-blacklist. Dahil ang Seasonal Worker Program ay usapan (MOU) ng mga LGUs, ang pagkakamali ng isa ay pwedeng maging hadlang para sa libo-libong kababayan nating gustong magtrabaho sa Korea sa hinaharap.
It is important to note that the cases mentioned above are specific to seasonal workers in other regions of South Korea and were brought to the Eumseong Support Center for Foreigners. Ms. Yvette Jaymalin clarified that Jecheon does not face similar issues, as it has a strong and effective management system in place for seasonal workers, ensuring that they are properly supported and protected.A Call for Awareness: Huwag magpaloko sa matatamis na salita ng mga illegal brokers. Mas matimbang ang panganib kaysa sa inaakalang kikitain. Kung may problema sa trabaho, dumaan sa tamang proseso. Seek help, don't run away.




Comments
Post a Comment