Gabay sa EPS (Employment Permit System): Ano ang Benefits at Bagong Pasahod ngayong 2026?
Kung nagpaplano kang magtrabaho sa South Korea, ang EPS ang legal at pinaka-safe na paraan. Simula noong 2004, ito ang naging tulay para sa maraming Pinoy na makahanap ng trabaho sa manufacturing, construction, at agriculture. Hindi lang ito basta trabaho—ito ay protektado ng batas ng Korea.
Sino ang Pwedeng Mag-apply?
Hindi basta-basta ang pagpasok sa EPS. Kailangan mong pumasa sa mga sumusunod:
Age: 18 hanggang 39 years old.
Korean Language (TOPIK): Dapat marunong ka ng basic Korean para hindi ka mahirapan sa utos sa factory o farm.
Health & Record: Dapat fit to work at walang criminal record.
Ano ang mga Benefits mo bilang EPS Worker?
Dito tayo sa pinaka-importante—ang iyong mga karapatan:
Makatarungang Pasahod: Ngayong 2026, ang basic monthly salary mo ay hindi dapat bababa sa 2,156,880 won.
Kung may overtime o night shift, mas malaki pa ang kikitain mo!
EPS vs. Korean Workers: Ano ang Pinagkaiba?
Bagama't pareho ang basic rights, may mga limitasyon pa rin ang EPS:
Job Stability: Ang mga Koreano ay pwedeng magtrabaho doon habambuhay, habang ang EPS ay may fixed-term contract lang.
Promotion: Mas mabilis ang career growth ng mga locals.
Residency: Medyo mahigpit pa rin ang rules para sa mga EPS workers na gustong maging permanent resident, bagama't may mga options na ngayon (gaya ng E-7-4 visa) para sa mga masisipag at qualified.
Teacher Ela's Insight:
Napaka-importante na alam natin ang mga numerong ito para hindi tayo nalalamangan sa ating mga "payslip." Ang 2026 wage hike na 2.9% ay dagdag na ginhawa rin para sa ating pamilya sa Pilipinas.
Huwag kalimutan: Ang pagiging legal ay katumbas ng pagiging protektado. Huwag basta-basta maniniwala sa mga alok sa labas ng EPS!
Comments
Post a Comment