Ang Bahay sa Korea — Higit Pa sa Isang Tirahan
Isang sanaysay tungkol sa housing, paglilipat, at pag-aaral ng bagong sistema Pamumuhay sa Korea Isa sa mga unang bagay na kailangang intindihin ng isang dayuhan sa Korea ay ang housing system — at believe me, medyo nakaka-confuse ito sa simula. Sa Pilipinas, simple lang — maghanap ng mauupahan, bayaran ang renta buwan-buwan, tapos. Pero dito sa Korea, may dalawang pangunahing sistema ang rental: ang wolse at ang jeonse . At ang pagkakaiba ng dalawa ay malaki — hindi lang sa pera, kundi pati na rin sa kung paano mo iplaplano ang iyong buhay. Ang wolse ay ang mas pamilyar sa ating mga Pilipino — may monthly rent ka, at may kasamang maliit na deposit. Dito nagsimula ang aming buhay sa Korea. Ang unang apartment na aming natirhan ay maliit — talagang maliit, hindi lang para sa aking pamantayan kundi para sa aming pangangailangan bilang pamilya. Ngunit iyon ang simula, at tinanggap namin iyon. Ganyan talaga ang pagsisimula — hindi laging perpekto ang unang hakbang. "Ang jeonse ay...