Dalawang Mukha ng Ppalli-Ppalli
Isang sanaysay tungkol sa bilis, paggalang, at pagkakaiba ng karanasan sa Korea Pamumuhay sa Korea Kung tatanungin mo ang sinumang dayuhan about sa kulturang Koreano, halos lahat ay magsasabi ng iisang bagay — 빨리빨리 , o ppalli-ppalli . Ang ibig sabihin nito ay "dali-dali" o "hurry-hurry." At totoo naman — makikita mo ang ppalli-ppalli kahit saan: sa bilis ng food delivery, sa transportation, sa trabaho, at sa halos lahat ng aspeto ng pang-araw-araw na buhay dito sa Korea. Para sa mga bagong dating, medyo overwhelming ito — parang laging may deadline kahit wala namang sinabi. Pero ang totoo, hindi pantay ang karanasan ng lahat pagdating sa ppalli-ppalli . Doon sa mga nagtatrabaho sa farm o sa factory, kitang-kita kung gaano ito kamarahas. Ang mga boss ay madalas na nagsisigaw — tulak nang tulak, bilisan nang bilisan. Walang breathing room, at ang pressure ay laging nandoon. Para sa kanila, ang ppalli-ppalli ay hindi lang isang cultural trait — ito ay isang utos na...