Basura sa Korea — Seryoso Ito, Hindi Biro
Isang sanaysay tungkol sa waste segregation at isang hindi malilimutang fried chicken Pamumuhay sa Korea May isang karanasan ako na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malimutan. Kapag naaalala ko ito ngayon, napapangiti na lamang ako, pero noong mga panahong iyon, talagang nagulat ako sa nangyari. Isang araw, may tumawag sa akin na Pinay na dati ko nang kakilala rito sa South Korea, ngunit noong mga panahong iyon ay nasa Pilipinas na siya habang ang kanyang asawa ay nananatili at nagtatrabaho pa rin sa Korea. Ikinuwento niya na malapit nang mag-birthday ang kanyang asawa at humingi siya ng kaunting pabor. Kung maaari raw ay bumili ako ng fried chicken at iba pang pagkain para sa simpleng pagdiriwang ng kanyang mister. Bilang kapwa Pilipino, wala naman akong nakita roong masama. Sa isip ko, isa lamang itong simpleng pagtulong sa isang kababayan na hindi personal na makasama ang kanyang asawa sa espesyal na araw nito. Kaya buong puso akong pumayag at ginawa ang kanyang pakiusap, hi...