Posts

Showing posts with the label Pinoy in Korea

Puwede Ka Bang Ma-Deport Kahit May Visa Ka?

Image
   Ang Totoo sa Batas ng Korea na Hindi Alam ng Maraming Pilipino Isang araw, maari kang sakay ng eroplano papuntang Korea — at hindi mo alam na puwede kang ibalik ng airline mismo kahit wala pang imigrasyon officer na nakausap mo. Alam mo ba na may batas sa Korea na nagbibigay ng responsibilidad sa airline at shipping companies — hindi lang sa gobyerno — kung papayagan ka bang makapasok o hindi? Ito ang tinatawag na 출입국관리법 (Immigration Control Act) , at pagkatapos ng 22 taon ko rito sa Korea bilang English teacher, masasabi ko na halos wala sa aming mga kababayan ang nakakaalam ng mga detalye nito — hanggang sa may problema na. Ano Ba Talaga ang Sinasabi ng Batas? Ang pinaka-shocking na part para sa akin nung una kong nabasa ito: ang kapitan ng barko o eroplano, o ang transport company mismo, ay OBLIGADONG pigilan kang sumakay kung: Walang valid na pasaporte o visa Hindi pa nakakakuha ng seungheo (승선허가 — boarding permission) Naabisuhan ng imigrasyon na hindi ka ...