Hindi Ka Kriminal Pero Puwede Kang Pigilang Umalis ng Korea? Ang Katotohanang Dapat Malaman ng Bawat Pilipino
Isang Gabay para sa mga Pilipino sa South Korea Mula sa Isang Kapwa Pilipina Paano kung nakapag-book ka na ng ticket pauwi ng Pilipinas, nakapagpaalam ka na sa trabaho, at nakaimpake na ang lahat ng gamit mo? Pagdating mo sa airport, saka mo lang nalaman na hindi ka pala maaaring umalis ng South Korea. Parang eksena lang sa pelikula, pero nangyayari ito sa totoong buhay. Ako si Majella. Mahigit 22 taon na akong naninirahan dito sa Chungju, South Korea. Sa loob ng mahigit dalawang dekada, marami na akong nakilalang mga Pilipino na naharap sa iba't ibang problema sa immigration. May mga na-deport, may mga nagkaroon ng problema sa visa, at mayroon ding nagulat na lamang nang malaman nilang hindi sila maaaring makalabas ng bansa dahil sa isang legal na usapin na hindi nila alam na may epekto pala sa kanilang paglalakbay. Marami sa atin ang naniniwalang hangga't wala tayong ginagawang krimen, malaya tayong makakapasok at makakalabas ng Korea anumang oras. Ngunit ayon sa Korean Immig...